Wednesday, 17 October 2018

I deserve this.

Tbh I dont deserve anyone. Kaya nga lahat sila iniiwan ako eh. I deserve to be alone. I deserve this. Sa lahat lahat ng mga bagay na pinagagawa ko. Deserve ko to. This is my punishment. I push everyone out of my life. Ganun kasi ako diba. Lahat ng nagmamahal sakin sinasaktan ko, because I know they can do better than this, better than me. Ako lang naman ang hindi magiiwan sa sarili ko eh. Pero miski ako hindi ko mahal sarili ko.. haha. The irony nga naman noh?

Tired.

Papagod na ko.. kelangan ko na ng bago tripl sa buhay ko, masyado na ko nasasanay sa routine ko.. parang paulit ulit na lang 🙃 gusto ko na ng bago. Gusto ko na ng makaranas ng kakaibang feeling.. parang namimiss ko na yung sakit, hindi sakit na nararanasan ko sa puso. Gusto ko yung literal na sakit. Makakita ng dugo.
Nakahiligan ko na nga ulit na nood ng murder stories eh, try ko isipin kung paano kaya kung saakin nagyari Yun? Sino maghahanap? Sino masasaktan? Sino iiyak? Sino babalewalain? Sino maapektohan?
Paano kaya kung itapon na lang katawan ko kung saan? Paano kung may driver na bangain Ako? Paano kung masunog ako ng buhay? Gaano kaya kasakit Yun? Iiyak ba ko sa sakit o hindi? Hayss.. 

Sunday, 14 October 2018

Open letter to you.

Ilang araw na tayo hindi naguusap, Oo yun ang decision mo eh. Alam ko masakit, naranasan ko na din naman yun at pinagdadaanan ko din ngayon. Ewan ko kung ano susulat ko tbh. Dami ko gusto sabihin pero hindi ko alam kung saan ko uumpisahan. Sorry? Kamusta ka? Ano na? Saan ko nga ba uumpisahan?
Sige let's do it in that order.

Sorry.
Sorry kung sobra kita nasaktan. Sorry na naging makasarili ako. Sorry kung kaligayahan ko lang ang inuna ko. Sorry na hindi ko pinansin mga efforts mo. Sorry na hindi ko nasuklian ang pagmamahal mo. Sorry kung siya lang naging focus ko. Sorry na nagseselos ka. Sorry na hindi kita nakita. Sorry dahil sakin nasaktan ka. Sorry.

Kamusta ka na?
Magiisang linggo na na hindi tayo nagpapansinan. Ano gumagana ba? Nawawala na ba yung sakit?

Ano na?
Ano na susunod mong plano? Ganto na lang ba tayo? Talaga walang pansinan? Gaano ba to katagal? 1 year? 2 years? 5 years? 10 years?

Once you start moving on you start seeing that person's flaws, at least para saakin. Tanong ko lang, ano ba mali saakin? Other than makasarili ako, matigas ulo, pasaway, maldita, walang puso ano pa ba? Nakakacurious lang kasi.

Inaamin ko masakit. Hindi ako comfortable. Naninibago ako. Masakit. Pero hindi ko kaya pakita. Hindi ko kaya Express. Hindi sa harap mo o sa harap ng kahit kanino. Ganun kasi ako eh, diba alam mo naman yun. Ayaw ko nagpapakita ng hindi normal sa iba. Gusto ko masaya, gusto ko lagi ko suot yung mask ko, gusto ko na laging nakangiti ang nakikita sa mukha ko. At least hindi sila magaalala saakin. Ayaw na ayaw ko pa naman magkwekwento tungkol saakin, lalo sa mga taong hindi naman talaga ako kilala. At least dito libre ako sulat kahit ano gusto ko.

Tanga ko talaga eh no? Pinili ko yung taong hindi ako kayang mahalin kesa sayo. Pinili ko kung saan talo ako. Ilang beses ko iniisip pano kung ikaw na lang? Ramdam ko naman na mapapasaya mo ko, pansin ko mga efforts mo, pansin ko mga moves mo hahaha. Tanga lang talaga ako. Sobra.

Ewan ko. Hindi ko magsend sayo to directly. 2 reason kasi, 1 sabi mo na ayaw mo ba tayo magusap at 2 baka lalo ka lang maguluhan. Kaya iiwan ko na lang to dito. Mabasa mo man o hindi.. at least nandito siya..

Wednesday, 3 October 2018

Hindi ko na alam eh.

Wala naman talaga mali saatin eh. Yun nga lang we all have our own ways of dealing sa mga problema natin at whatever works for me doesnt necessarily means na gagana sayo. Pero ano magagawa ko? Eto yung effective saakin eh at ganyan sayo. Pero if that's how you deal with your problem dont expect me na that's how I'll deal with mine.
Oo inaamin ko I dont want to lose you as a friend pero it seems to me na being friends doesnt work with you as well.. ano na gagawin ko ngayon? I'll give you space. Kung how long eh hindi ko alam..

Wednesday, 12 September 2018

Social Media

"Get a man who will...." "Never settle for a guy who..." "Duon ka sa lalake na..."
Ilan lang yan sa mga paulit ulit ko nakikita sa social media. Hindi naman na mali sila pero dahil sa mga post na yan parang tumataas ng tumataas ang expectations ko sa taong mamahalin ko.
Dahil sa mga post na yan parang kelangan ko na gumawa ng check list sa taong magugustuhan ko at siguraduhin na sya ay ganto or ganyan dapat hindi sya ganto at hindi ganyan..
Hindi ba pwede na pag mahal mo mahal mo? Yung tipo na 'Oo hindi sya perpekto pero ako din naman may pagkukulang'

Sunday, 9 September 2018

Sino?

Minsan na cucurious ako, ano kaya kung may mangyari sakin. Sino magaalala? Sino iiyak? Sino babalewalain lang? Pinaliit ko ng pinaliit ang mundo ko na ngayon para hindi ako masaktan pero sino kaya ang mga nasaktan ko nun? Sino naghinayang sakin? Sino yung nagisip na "masmabuti naman talaga ako kung wala sya"? Sino nga ba??? 

Minsan. Sana.