Friday, 22 June 2018

Para sakin lang naman

Effort at oras, para saakin yang dalawa ang maiaalay mo sa taong mahal mo para mapatunayan kung gaano sila kahalaga sayo. Alam mo kung bakit? Kasi sabi nga nila 'actions speaks louder than words' ang dali dali bitawan ang mga salita na hindi mo naman pala kaya gawin.
Haysss ilang beses na ba ako naniwala sa mga salita at pangako na napako, sabagay ako din naman ang tanga na paulit ulit na naniniwala sa mga pangako mo na wala pala.. na hangang salita lang pala.
'Pag gusto may paraan, pag ayaw may dahilan' yan ang paulit ulit na sinasabi sakin ng ex ko dati, sabagay may point siya diba? Yun nga lang nung nawala siya ni isang dahilan wala ako narinig dahil parang bula siya naglaho sa buhay ko haha.

Sunday, 17 June 2018

Sino nga ba?

Mahal ko o mahal ako? Tuwing pinapatugtog ko ang kanta na yan lagi ko tinatanong sarili ko, sino nga ba? Alam ko sa sarili ko na walang tama o mali sa magiging desisyon ko pero.. sino nga ba ang karapat dapat na piliin?
Naalala ko payo sakin ng kaibigan ko nung huli ako na saktan, sabi nya sakin bakit di ko daw kasi piliin yung tanong mahal na ko kesa sa taong mahal ko kasi at least duon sigurado na mahal nya ako. Tanong ko din sa sarili ko yun eh.. bakit nga ba? Bakit nga ba ang hilig ko sumugal sa relasyon na walang kasiguraduhan kesa sa relasyon na sigurado ako ang wagi? Aba malay ko.. tanga lang kasi siguro

Wednesday, 13 June 2018

Salamat

Ang hirap kalaban ang alaala. Masaya man o mapait nanjan at nanjan yan sa isipan mo. Ayaw mo man isipin eh minsan talaga hindi mo napigilan alalahanin.
Alam mo nung binukasan ko ang Facebook to today, may memories tayo ako nakita. Nagulat na lang ako at napaisip na 'wow! 5 years na pala nakakalipas nun, parang kahapon lang ah' ang saya isipin ang sarap balikan pero wala na, wala na tayo at wala ka na. Kanya kanya buhay na tayo.. sana masaya ka dahil ako masaya na din.
Salamat at nakilala at naging parte ka ng buhay ko, isa ka sa rason kung ano ako ngayon, at thankful ako duon. :)

Tuesday, 12 June 2018

Please naman oh..

Simpleng babae lang naman ako eh, sa pagkaalam ko hindi naman ako mahirap mahalin, sweet daw at sobrang bait. Yun nga lang sa pagkasobrang bait minsan eh sobra naman nila tinatake advange. Alam mo gusto ko sana na meron 'tayo' yun nga lang.. wala eh.. hindi naman sa minamadali kita pero hindi ko alam kung saan ako lulugar. Paki liwanag naman oh, ayaw ko lang naman kasi na sa bandang huli eh bali wala lang pala mga oras na ginugol ko sayo, dahil reserba mo lang pala ako.

Wednesday, 6 June 2018

Ano nga ba?

Hays.. di ko talaga alam gagawin ko. Gustong gusto ko itanong sayo ang isang pinaka nakakatakot na tanong na 'Ano ba tayo?' Pero pano kung yung sagot mo iba sa iniisip ko.. pano kung mawala kung ano man tayo ngayon sa pagtatanong ko nyan. Sobra ako takot itanong pero mas takot ako sa sagot.. sana linawin mo naman oh..

Monday, 4 June 2018

M.U.

No label. Yun na ata ang uso ngayon, yung tipong kung umasta ay parang kayo pero WALA naman kayo. Ano na nga ba nangyari sa ligawan, sa 'pwede ba kita maging gf/bf?' At sa 'yes! Sinagot na nya ako', hindi na ata uso.. Pero ang hirap ng ganyang usapan, yung hangang MU lang kayo. Mutual Understanding o para saakin eh Malabong Usapan kasi sa bandang huli wala ka pinaghahawakan na sayo siya at ikaw ay sa kanya. Haysss kaya dapat hinay hinay lang, wag masyadong ma fall baka kasi sa bandang huli ikaw lang pala ang nafafall.

Minsan. Sana.