Monday, 27 August 2018

Pwede ba??

May pagka tanga lang talaga ako minsan eh, bakit?? Bakit nga ba ako umaasa na magkaroon tayo kung ako mismo hindi sure kung mahal kita. Malay ko ba, masaya ako pagkasama ka, masaya ako na pinagtutuunan kita ng pansin pero hindi naman ibig sabihin nun na mahal na kagad kita diba? Pero kung ano man tayo pwede ba na continue na lang natin? Kasi masaya ako sa mga pinagagawa natin eh.

Thursday, 9 August 2018

P.I mo po

Bakit nga ba patawa ang buhay? Kung kelan kelangan ko ng kaibigan duon nya kinukuha mga tao na pinagkakatiwalaan ko. Ano ba to? Challenge? Pagsubok kung makakaya ko? Diba sa sobrang dami beses mo na pinaramdam sakin to kinaya ko naman diba? So ano gusto mo gawin sakin, gusto mo ko makita sumuko? No way!! Babangon at babangon ako! Pero P.I lang talaga kasi yung timing mo eh.. hindi ba pwede isa isa mo na lang sila kunin sakin wag yung sabay sabay.. sino tatakbohan ko nyan? Yung best friend ko sa ulo ko na kung ano ano kabalbalan tinatanim sa isip ko.. hayts

Tuesday, 7 August 2018

Saklap bes

Sakit pala talaga no? Alam ko naman nung umpisa pa, paulit ulit ko din naman pinaalala sa sarili ko na "uy wag" pero may pagka tanga lang talaga. Umiral ang puso at sinuway ang isip, ganun naman talaga eh.. mahirap pigilan ang puso kung gusto.
'PAG-ASA' yan tayo eh.. miski kaunti na pag-asa eh kapit kaagad ako, nalulunod sa mga "baka", sa mga "pwede" at sa mga "posible".. eh ano ako ngayon? Eto nga nga sa wala haha. Masakit in fairness ha kala ko controlado ko, kala ko napipigilan ko LOL hindi pala.
Hayaan mo na.. basta masaya ako dahil kahit konti umasa din ako, na di pala ako manhid, nasasaktan din pala ako. Kala ko kasi na sa sobra dami beses na nangyari sakin to na medyo immune na ko.. hindi pala haha.
Salamat at sinagot mo na yung tanong na hindi ko maitanong sayo. Alam ko naman na yun na yung sagot mo, may pagka tanga nga lang talaga.

Minsan. Sana.