Sakit pala talaga no? Alam ko naman nung umpisa pa, paulit ulit ko din naman pinaalala sa sarili ko na "uy wag" pero may pagka tanga lang talaga. Umiral ang puso at sinuway ang isip, ganun naman talaga eh.. mahirap pigilan ang puso kung gusto.
'PAG-ASA' yan tayo eh.. miski kaunti na pag-asa eh kapit kaagad ako, nalulunod sa mga "baka", sa mga "pwede" at sa mga "posible".. eh ano ako ngayon? Eto nga nga sa wala haha. Masakit in fairness ha kala ko controlado ko, kala ko napipigilan ko LOL hindi pala.
Hayaan mo na.. basta masaya ako dahil kahit konti umasa din ako, na di pala ako manhid, nasasaktan din pala ako. Kala ko kasi na sa sobra dami beses na nangyari sakin to na medyo immune na ko.. hindi pala haha.
Salamat at sinagot mo na yung tanong na hindi ko maitanong sayo. Alam ko naman na yun na yung sagot mo, may pagka tanga nga lang talaga.