Tuesday, 31 July 2018

Hayss

Tinanong mo ko kung bakit ikaw? Bakit hindi siya? Hindi ko alam, bakit nga ba ikaw? Bakit nga ba ako nagpapakagaga sa taong walang kasiguraduhan kesa sa taong sigurado sakin? Talaga hindi ko alam. Miski ako napapatanong sa sarili ko eh pero ang alam ko lang eh ikaw ang pinili ko at hindi siya, ikaw ang gusto ko, oo alam ko isa tong malaki sugal kung saan malaki ang chance ko matalo, all or nothing kumbaga. Miski hindi ko man gusto isipin pero alam ko sa sarili ko at lagi ko pinapaalala na any given moment pwede ka umayaw, na pwede mo ko iwan, na wala naman talaga tayo. Medyo pagkatanga ko din noh?
Ang dami dami ko gusto itanong, ang dami ko "bakit" pero ni isa hindi ko maitanong sayo hindi dahil hindi ko kaya itanong kung hindi hindi ko alam kung pano ko ihahanda ang sarili ko sa mga sagot.
Alam mo dati tumutugtog yung kantang "mahal ko o mahal ako" ang tuwing sagot ko eh yung "mahal ko", alam mo kung bakit? Kasi at least duon sigurado ako na mahal ko yung tao, na kung may masaktan man eh ako lang diba. Bakit pa ko mananakit at magpapaasa sa taong mahal ako kung sa huli eh hindi ko din naman pala siya matututunan mahalin diba? Kung mangyari man yun sobra sakit sa loob lang ang maiidudulot ko sa kanya at saakin, masgusto ko pa na ako na nalang nasaktan sa maling pagibig kesa mangdamay pa ko ng iba.
Hay naku Issa ewan ko sayo..

Minsan. Sana.